Monday, December 6, 2010

PAG-ARESTO: Ping Lacson


     Naniniwala si Interior and Local Government Secretary Jesse Robredo na hindi dapat inaanunsyo kung ano ang mga hakbang na gagawin ng mga otoridad para maaresto si Senador Panfilo Lacson.
Sinabi ni Robredo na bukod sa dating hepe ng Philippine National Police (PNP), magaling din na intelligence officer si Lacson kaya tiyak na makapag-iisip ito ng mga paraan para mabulilyaso ang planong pag-aresto sa kaniya.
Inihayag pa ni Robredo na malaki rin ang kaniyang paniniwala na may matinding support group o network ang senador kaya nahihirapan ang mga otoridad na mahuli ito.
Si Lacson ay may warrant of arrest hinggil sa kaniyang kinakaharap na kaso kaugnay sa pagpatay sa publicist na si Salvador "Bubby" Dacer at driver nito na si Emmanuel Corbito.
Ibinasura ng Malakanyang ang hiling na shoot to kill order laban kay Sen. Panfilo Lacson na nahaharap sa kaso kaugnay sa pagpatay sa publicist na si Salvador "Bubby" Dacer at driver nitong si Emmanuel Corbito.
Sinabi ni Presidential Spokesperson Edwin Lacierda na hindi dapat gipitin si Pangulong Benigno "Noynoy" Aquino III sa kaso ni Lacson dahil kumikilos naman at determinado ang Philippine National Police (PNP) at National Bureau of Investigation (NBI) para hanapin ang senador.
"I will only come out when justice is rightly served, or when I'm already dead. It may not be the best way to spend geezerhood, but unless you get me ahead of my time, I prefer to suffer in pain but with dignity, sitting alone with my conscience."- Ping Lacson 

 

Robredo: 'Pagtrabahuin ang PNP kaysa magbigay ng reward money para kay Ping' 

       Idenepensa ngayon ni Interior Secretary Jesse Robredo ang pagbasura sa panukalang maglaan ng P2 million na reward money para sa mabilis na pagkakahuli ng puganteng si Sen. Panfilo "Ping" Lacson.
Paliwanag ni Robredo, hindi ito nangangahulugan na pinoprotektahan niya ang senador na sangkot sa Dacer-Corbito double murder case.
Kampante ang kalihim na mahuhuli ng pulisya si Lacson kahit na walang reward money.
Kapag aniya palaging may reward money ang mga hinahabol ng batas, parang sinasabi na hindi na nagtatrabaho ang mga law enforcement agencies lalo na ang pulisya.
Dagdag pa ni Robredo, ang hindi pagbibigay ng reward money ay paraan lang para hayaan ang pulis na gumawa ng trabaho nito.
Muling iginiit ni Robredo na ang halagang P2 million ay maaari pang magamit sa mas mahalagang bagay.
Napag-alaman na inakusahan ni Atty. Ferdinand Topacio, abogado ni dating Supt. Cesar Mancao na sangkot din sa kaso, na pinoprotektahan ni Robredo si Lacson dahil sa hindi pagbigay ng reward money.
Una nga rito ay bumuo na ng tracking team ang DILG na siyang maghahanap kay Ping Lacson.


Sa Inyong Palagay, tama bang magbigay ng reward o ipaubaya na lang sa PNP ang pag-aresto kay Ping Lacson?

OPINYON:
           Sa palagay ko hindi dapat magbigay ng reward ang mga PNP para maaresto si Ping Lacson dahil tanging ang mga pulis lamang ang makakahuli sa kanya. Dahil pulitiko siya alam niya na  hindi siya titigilan hangga't hindi siya nalantad at aminin ang kanyang mga kasalanan. Hindi siya magtatago kung wala naman siyang kasalanan kaya dapat sabihin na niya ang totoo.